TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang lola ang nasawi habang malubha ang apat nilang apo matapos silang salpukin ng isang Suzuki SUV habang nakatayong nag-aabang ng taxi sa Camp 4, Kennon Road, Tuba Benguet noong Martes ng umaga. ?
Sa report na ipinamahagi ni Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police; dead-on-the-spot ang mga biyudang sina Sioning Pimiliw, 75, at Rosaline Alberto, 71, mga residente ng nasabing lugar.
?Ang mga sugatang apo na isinugod sa Baguio General Hospital ay sina Clara Alberto Valencia, 17, at Ian Alberto Valencia, 16, kapwa estudyante, at ang mga paslit na sina Aedan Ruvic Viloria, 6, at Sofia Angela Carbonell, 1-anyos.?
Natulala naman ang drayber ng SUV (AJA 5168) na si Bernard Soriano na nakabangga sa mga biktima na kinailangan ding isugod sa parehong pagamutan at nahaharap ngayon sa kaukulang kaso.