Mag-asawa durog sa bus

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nagkalasug-lasog ang katawan ng mag-asawa matapos bumangga ang kanilang sinasakyang taxicle sa kasalubong na bus sa Maharlika National Highway sa Purok 1, Brgy. Penafrancia, Daraga, Linggo ng umaga. Namatay noon din ang mga biktimang sina Rodel Orayon at Merlina Orayon, kapwa residente ng Bulan, Sorsogon habang arestado ang driver ng nakabanggang bus na si Joey Adra, ng Brgy. San Vicente, Castilla, Sorsogon. Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga habang pauwi ang mag-asawa sa Bulan nang mawalan sila ng kontrol sa palikong bahagi ng highway sanhi upang mabangga sila ng kasalubong na bus ng DonDon Bus Liner na minamaneho ni Joey Adra, ng Brgy. San Vicente, Castilla, Sorsogon.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang taxicle at tumilapon sa kalsada ang mag-asawa na agad na nasawi. Sumuko naman at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide ang driver ng bus.   

Show comments