2 paslit natusta sa sunog!

MANILA, Philippines — Dalawang bata na magkapatid ang nagmistulang uling at magkayakap pang narekober kasunod ng malaking sunog na tumupok sa may 90 kabahayan sa Sitio Kawit, Brgy. Ermita, Cebu City noong Lunes ng umaga.

Ang mga nasawi ay ang magkapatid na paslit na nagkakaedad 9 at 2-anyos na hindi pa tinukoy ang mga pangalan makaraang makulong ng apoy mula sa nasusunog nilang tahanan.

Sa ulat ng Cebu City Fire Marshal, bandang alas–6 ng umaga nang magsimula ang sunog na mabilis na kumalat sa mga kabahayan na pawang gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Samantala, ilang residente rin sa lugar ang napaulat na nasugatan sa insidente. Isang sumabog na Liquified Petroleum Gas (LPG) ang pinagmulan ng sunog na tinatayang nasa P1.5 milyon ang napinsala.

Show comments