Amasona na ‘child warrior’ sumuko
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Isang amasonang child warrior ang sumuko sa tropa ng pamahalaan matapos ang tatlong taon bilang child warrior at pananatili sa kilusan ng New People’s Army, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ng pamunuan ng 5th Infantry Division (5ID) na nakabase sa Gamu, Isabela ang sumukong mandirigma bilang ka Trese, 16, Grade 10 student, residente ng Bontoc Mt. Province at kasapi ng Leonardo Pacsi Command ng rebeldeng NPA.
Sa ulat, dakong alas-11:30 ng tanghali nitong Sabado nang makita ng mga awtoridad ang nanghihinang amasona na nawalan ng malay kung kaya’t agad isinugod sa pagamutan. Nang magising ay inamin nito sa mga tauhan ng 77th Infantry Battalion ng PA at mga operatiba ng Bontoc Police. Isinuko ng batang amasona ang ibat-ibang subversive documents ng mga NPA, apat na cellphone, tatlong M16-rifle ammunitions, pera at iba pang mga personal na kagamitan.
- Latest