MORONG, Bataan, Philippines — Isang kagawad ng pulisya na waterborne trainer ang nalunod makaraang himatayin matapos na magturo sa mga baguhang water rescuer sa bahagi ng karagatan ng Sitio Mabato, Morong noong umaga ng Biyernes.
Kinilala ni Bataan Police chief P/Sr. Supt. Marcelo Dayag ang biktima na si P/Insp. Richardson Cabigon Urmatan, 28, anyos, PNPA Class 2015 at nakatalaga sa Morong Police Station.
Sa imbestigasyon ng Morong Police Station, dakong alas-9:20 ng umaga habang nagtuturo ang naturang opisyal sa mga baguhang manlalangoy hinggil sa mabilis na pagreponde at grabbing techniques sa water rescue nang sa kanyang paglangoy papuntang pampang ay hinimatay.
Agad na nasagip ang biktima ng mga nakasaksi saka binigyan siya ng first aid chest compression rescue breathing, kinabitan ng oxygen at mabilis na dinala sa James Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City subalit idineklara ng attending physician na dead-on-arrival.