MANILA, Philippines — Nahulog sa maputik at maduming dagat ang dalawang kongresista at iba pang lokal na opisyal ng Zamboanga City habang nag-iinspeksyon.
Kabilang sa mga nahulog ay sina Housing and Urban Development Committee chairman Albee Benitez, Zamboanga Rep. Celso Lobregat, Zamboanga City Mayor Beng Climaco-Salazar at ang kanilang mga staff at security.
Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga kahapon nang bumigay ang tulay habang nagsasagawa ng inspeksyon sa housing projects para sa mga Badjao sa Barangay Rio Hondo.
Ito ay para patunayan ang reklamo ng mga Badjao na substandard ang iginawad sa kanilang pabahay ng National Housing Authority (NHA).
Naglalakad sina Benitez, Lobregat at Climaco kasama ang kanilang mga staff at security sa kahoy na tulay para mapuntahan ang mga bahay nang biglang bumigay ang tulay at nalaglag silang lahat sa maputik na dagat.
Nalaglag ang buong grupo sa tubig dagat na maitim na dahil sa putik at dumi.