^

Probinsiya

2 solon, local officials nahulog sa tulay

Joy Cantos, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 solon, local officials nahulog sa tulay
Nahulog sina Reps. Alfredo Benitez at Celso Lobregat, Zamboanga Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar at kanilang staff at security nang bumigay ang tulay na kanilang inaapakan sa Brgy. Rio Hondo, Zamboanga City.
Roel Pareño

MANILA, Philippines — Nahulog sa maputik at maduming dagat ang da­lawang kongresista at iba pang lokal na opisyal ng Zamboanga City habang nag-iinspeksyon.

Kabilang sa mga nahulog ay sina Housing and Urban Development Committee chairman Albee Benitez, Zamboanga Rep. Celso  Lob­regat, Zamboanga City Mayor Beng Climaco-Salazar  at ang kanilang  mga staff at security.

Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga kahapon nang bumigay ang tulay habang nagsasagawa ng inspeksyon sa housing projects  para sa mga Badjao sa Barangay Rio Hondo.

Ito ay para patunayan ang reklamo ng mga Badjao na substandard ang iginawad sa kanilang pabahay ng Natio­nal Housing Authority (NHA).

Naglalakad sina Benitez, Lobregat at Climaco kasama ang kanilang mga staff at security sa kahoy na tulay para mapuntahan ang mga bahay nang biglang bumigay ang tulay at nalaglag silang lahat sa maputik na dagat.

Nalaglag ang buong grupo sa tubig dagat na maitim na dahil sa putik at dumi.

LOCAL OFFICIALS FALL OFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with