HALA NAHULOG! Mga kongresista nahulog sa tulay sa Zamboanga
MANILA, Philippines – Hindi lamang nakita kundi naranasan ng dalawang kongresista ang hirap na pinagadaraanan ng ilang Pilipino matapos silang mahulog sa bumigay na tulay sa Zamboang City.
Nahulog sa maruming tubig sina Rep. Alfredo Benitez, chairman ng House committee on housing and urban development at Zamboanga City Rep. Celso Lobregat.
Kasama rin nila sina Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar at National Housing Authority regional director Alfonso Borlagdan.
Nasa lugar ang mga opisyal upang inspeksyunin ang pabahay na proyekto ng NHA.
- Latest