^

Probinsiya

Amasona sumuko sa pulisya

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA  , Philippines  — Isang amasona o babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa tanggapan ng pulisya sa bayan ng Licab, NE, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang sumuko na si Renalyn Cabog y Arqueza, 30-anyos,dalaga, ng Tadian, Mountain Province. 

Siya umano ay miyembro ng NPA na kilala sa pa­ngalang “Ka Aiza” at ang kanilang area of operation ay sa mga probinsiya ng Aurora, Nueva Viscaya at Quirino.

Si Cabog ay humarap sa chief of police sa bayan ng Licab at isasailalim pa umano ito sa masusing pagsisiyasat ng otoridad.

Naiturn-over si Cabog sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa Cabanatuan City upang isailalim ito sa karagdagang pagtatanong.

AMASONA

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with