NPA lider patay sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang hinihinalang lider at commander ng New People’s Army (NPA) habang isa sa kasama nito ang naaresto nang makabakbakan ang tropa ng sundalo, kamakalawa sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Ang napatay ay kinilalang si Julito Pueblas alyas “Taghoy” na umano’y commanding officer ng Sentro de Grabidad Guerrilla Front 51 Southen Mindanao Regional committee. Habang naaresto si Jessa Lumana na nakuhahan ng M-16 rifle, tatlong improvised bombs, dalawang rifle grenades at mga subersibong dokumento.
Batay sa ulat, bago nangyari ang sagupaan dakong alas-11:25 noong Sabado ay rumesponde ang tropa ng pamahalaan nang makatanggap ng ulat na mayroong mga rebelde sa Sitio Bayongon.
Pagdating ng tropa ng sundalo ay agad na nagpalitan ng putok ang magkabilang panig na tumagal ng ilang oras na ikinasawi ni Pueblas.
Naniniwala naman ang tropa ng mililtar na maraming nasugatang NPA sa nasabing engkuwentro dahil sa mga bakas ng dugo sa lugar ng sagupaan.
- Latest