TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinaniniwalaang matinding depresyon dahil sa sobrang kahirapang nararanasan sa buhay ang nagtulak sa isang 72-anyos na magsasaka upang magpakamatay sa Sitio Pulunday-Kapuriktan, Barangay Escoda, Marcos, Ilocos Norte kamakalawa.
Sa report na ipinalabas ni Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP; nabigla ang mga apo na naglalaro malapit sa bahay ng kanilang lolo na si Artemio Agoot matapos siyang makita na nakabitin at lawit pa ang dila dakong alas 6:00 ng gabi.
Ayon kay Corpuz, sinikap isinugod ng mga kaanak si Agoot sa Doña Josefa Edralin Marcos District Hospital subalit idineklara na itong patay ng mga doktor. Nabatid na bago kinitil ng matanda ang sariling buhay ay malimit itong makita ng mga kaanak na tulala at laging nakatingin sa malayo.