3 rider dedo sa road mishaps

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tatlong riders ang  nasawi sa magkakahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Ifugao at Benguet noong Miyerkules. Sa report na ipinalabas ni Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera PNP; idineklarang dead on arrival si Lorenzo Bibat. 58 sa Potia District Hospital matapos makipagsalpukan sa isang Honda Mobillo SUV na minamaneho ni Romeo Esteban Sr. 72.

Ayon sa report, papasok sa isang kalye si Bibat nang masalpok  ng SUV. Isinailalim sa kustodiya ng pulisya si Esteban.

Sa Lagawe, Ifugao namatay si John Mark Buhulon 17, nang dumausdos ang kanyang motorsiklo sa gilid ng bundok sa Barangay Tungngod dakong alas-7:30 ng gabi.

Nasawi rin si Randy Marzan, 27, cook, nang salpukin niya ang riprap sa gilid ng daan sa Camp 1, Kennon Road, Tuba, Benguet dakong alas-9:30 ng gabi.

Show comments