Mister, itinumba sa harap ng anak
KIDAPAWAN CITY , Philippines — Isang 45-anyos na lalaki ang pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa sa Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato.
Nasawi noon din ang biktima na kinilalang si Hasminda Kasid, may-ari ng sari-sari store at residente ng Barangay Takepan ng nasabing bayan.
Ayon sa report, pasado alas-10:00 ng umaga ay sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo kasama ang kanyang anak mula sa palengke.
Pagdating sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang dalawang suspek at walang kaabog-abog na binaril ang biktima sa harap ng anak nito.
Agad tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.
- Latest