MANILA, Philippines — Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa isasagawang Food Safety Summit ng Nueva Ecija Development Exchange (NEDEX) sa Wesleyan University Auditorium, Mabini Extension Cabanatuan City sa darating na Abril 20, Biyernes.
Ang naturang event na magsisimula ng alas- 8 ng umaga hanggang alas- 4 ng hapon ay may layuning ilahad ang kahalagahan sa pagkakaroon ng kamalayan na kilalanin ang namamahala sa produksiyon at pagpapalago ng ating pagkain; kasama ang banta ng food system sa kalusugan dulot ng paggamit ng petro chemical-based pesticides at fertilizers sa pagbubukid.
Tampok bilang pangunahing speakers dito sina Dr. Clarissa Yvonne Domingo ng CLSU; Dr. Lilia P. Fermin ng NMIS; Dr. Lawrence De Guzman ng Premier Medical Center at Dr. Dolly Prado ng RHU-Talugtug, Nueva Ecija.
Suportado ng Foundation for Philippine Environment (FPE), Participatory Guaranty System-Nueva Ecija (PGS-NE) ang event na binubuo ng mahigit sa 25 organisasyon sa buong Nueva Ecija.
Libre ang registration, may ipapamahagi pang snack at lunch na pawang mula sa toxins-free farming para sa lahat ng mga participants. Sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Ms. Edith sa 0917-5668345.