Bangladeshi, dedo sa tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 37-anyos na negosyanteng Bangladesh national matapos ratratin sa sinasakyang traysikel ng riding-in-tandem sa Barangay Tandul, Cabatuan, Isabela kamaka­lawa ng gabi. 

Nasawi noon din ang biktimang kinilalang si Mambub Alam sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang ang drayber ng traysikel na si Villamor De Jose ay himalang walang natamong anumang sugat o pinsala. 

Robbery-holdup ang pangunahing motibong sinusundan ng mga imbestigador dahil tinangay ng mga suspek ang sling bag ng biktima na naglalaman ng koleksiyon nito sa pautang.

Show comments