Anak inutas ng ama

MANILA, Philippines — Tinodas ng sariling padre de pamilya ang kanyang sariling anak makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay sa Sitio Tabato, Barangay Lake Seloton sa bayan ng Lake Sebu sa lalawigan ng South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Junjun Tuan Manacof, 29-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.  Sa imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng gabi habang nag-iinuman ang biktima kasama ang ama nito na si Tedie Manacof nang magkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa dahilan upang barilin ni Tedie ang anak.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ang biktima habang agad namang tumakas ang ama matapos ang ginawang krimen.

Show comments