2 pinatay sa loob ng kotse

Nasa loob ng kotse ang dalawang lalaki na sinasabing biktima ng summary execution sa Brgy. Cut-Cot, bayan ng Guiguinto, Bulacan noong Linggo. Romeo “Boy” Cruz

BULACAN  , Philippines  —  Pinaniniwalaang dinukot saka pinagbabaril ang dalawang lalaki ang natagpuan sa loob ng sasakyan habang nakaparada sa bahagi ng Barangay Cut-Cot sa bayan ng Guiguinto sa Bulacan noong Linggo ng hapon. Nakagapos ang mga kamay, paa ng mga biktimang sina Jerome Fernandez, 25, ng Brgy. Lumang Bayan, Plaridel; at Remigio Rudolf Bacani, 34, ng Brgy. Malagasang II sa Imus City, Cavite. Ayon kay PO2 Marven Adriano, natagpuan ang  dalawa sa loob ng Honda City (ZLE-844) na nakaparada sa bahagi ng NIA Road.

Narekober ang apat na basyo ng bala, dalawang deformed bullets ng cal .45 pistol, M-16 Armalite rifle, dalawang cal .45 pistol, cal. 9mm ingram pistol na replica, bagpack na naglalaman ng mga personal na gamit. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya kaugnay sa pagpatay sa dalawa na sinasabing biktima ng summary execution.

Show comments