NORTH COTABATO , Philippines — Isang bagitong pulis na sinasabing nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ‘di pa nakilalang mga gunmen sa Bula-Lanao Road, Brgy. Lagao, General Santos City sa South Cotabato kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si PO1 Glenn Alegarte, 24, na katatapos lamang umanong kumain ng kanyang pananghalian at pasakay na sa kanyang sasakyan nang paslangin ng suspek nitong Martes.
Ayon kay Chief Insp. Peter Pinalgan Jr., hepe ng Police Station 3, ang biktima ay dinestino sa Camp Crame makaraang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal na droga. Siya ay nagbakasyon lamang sa lungsod at dumalo sa isang hearing ng kaso.
Ayon sa mga saksi, apat na kalalakihan ang nakita sa sasakyan ni Alegarte, bago siya pinagbabaril. Joy Cantos