Turista lunod sa beach sa La Union

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines  — Isang 56-anyos na turista ang nilamon ng dagat matapos malunod sa surfing area ng Barangay Urbiztondo, San Juan, La Union, kamakalawa.  Kinilala ng San Juan PNP ang nasawing biktima na si Romy Niu, isang beach goer at residente ng Barangay Biday sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Lumalabas na ang biktima at ang mga kasamahan ay kasalukuyan noon na ninanamnam ang tubig at alon na dulot ng karagatan sa may bahagi ng surfing area sa nasabing lugar nang bigla itong tangayin ng malakas na alon ng tubig.  Agad naman siyang sinaklolohan ng mga surfers subalit hindi pinalad ang biktima matapos bawian din ng buhay.

Show comments