^

Probinsiya

Sanggol inilibing nang buhay, nasagip

Pilipino Star Ngayon
Sanggol inilibing nang buhay, nasagip

Ang sanggol na babae na tinangkang ilibing nang buhay ng walang puso nitong ina matapos na masagip at nasa mabuti ng kalagayan sa Infirmary Hospital sa Goa, Camarines Sur. Photo: Cam Sur Police

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Nailigtas ang isang bagong silang na babaeng sanggol matapos ibaon nang buhay ng hindi kilalang ina o magulang nito makaraang matagpuan ng isang residente na duguan at nakabaon sa lupa sa isang liblib na lugar sa Brgy. Bagumbayan Grande, Goa, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Nakakabit pa ang ambilical cord ng babaeng sanggol nang matagpuan na nakali­bing sa mababaw na hukay na pinaniniwalaang kasisilang pa lang.

Ayon sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, pasado alas-5 ng umaga nang mapansin ng isang residente na naglalakad ang patak ng dugo sa lupa nang mapadaan siya sa hindi mataong bahagi ng nasabing barangay. Nang kanyang sundan ang mga patak ng dugo at hukayin ay nakitang padapang nakalibing ang sanggol habang napansin na humihinga pa at may pulso kaya agad na isinugod sa Goa Infirmary Hospital kung saan nailigtas at nasa mabuti nang kalagayan. Nakitaan din ng sugat sa braso ang sanggol na posibleng tinamaan ng itak o patalim na ginamit sa paghukay.

Sinisiyasat ng awtoridad ang insidente upang matukoy ang walang pusong ina na posibleng may kagagawan sa tangkang pagpatay sa sanggol.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with