Nene ginawang sex slave ng ama

LIMAY, Bataan  , Philippines  — Mapait ang sinapit na karanasan ng Grage 5 pupil na babae matapos na gawing parausan o sex slave ng sariling ama sa kanilang tahanan sa Limay, Bataan.

 Kinilala ni Provincial Police Director P/Sr.Supt. Marcelo Dayag ang suspek na si Tommy Macapinlac, 45 anyos, may-asawa at nakatira sa Limay, Bataan na sinampahan ng kasong Incest Rape.

   Sa salaysay ng Grade 1 pupil, sinimulan siyang molestiyahin ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagpasok ng daliri nito sa kanyang kaselanan hanggang sa ginagahasa na. Paulit-ulit umano ang pang-aabuso ng ama sa tuwing siya ay matutulog na nagsimula noong Grade 1 pa lamang siya hanggang sa mag-Grade 5.

    Nanahimik ang biktima sa kanyang ina dahil sa  matinding takot na hindi siya paniwalaan at sa banta ng ama na papatayin siya kung magsusumbong sa mga kamag-anak.

Huling ginahasa ang biktima noong Pebrero 15, 2018 na siyang nagtulak dito na isumbong na sa Limay Police kasama ang mga kaanak.

Show comments