Bangkay ng babae, natagpuan

TAGKAWAYAN, QUEZON , Philippines  — Natagpuan ng mga otoridad ang isang hubo’t hubad na bangkay ng babaeng hinihinalang biktima ng rape-slay sa  tabi ng Quirino Highway, Brgy. San Francisco, Tagkawayan , Quezon nitong Sabado ng umaga.  Walang nakuhang mapagkakakilanlan sa bangkay ng biktima maliban sa palatandaang ito ay mahaba ang buhok at tinatayang nasa edad 20-25 anyos.  Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga ay natagpuan ng mga naglalakad na residente ang isang piraso ng tela at nang iladlad ay tumambad ang bangkay ng biktima na may malaking pasa sa batok na hinihinalang pinukpok at dahilan ng kanyang kamatayan.  Inaalam pa ng mga otoridad kung ginahasa ang biktima na hinihinalang sa ibang lugar pinatay at sa gilid lamang ng nasabing highway itinapon upang iligaw ang magsasagawa ng imbestigasyon.

Show comments