^

Probinsiya

5 ‘most wanted’ nalambat

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
5 ‘most wanted’ nalambat

Arestado sa mga tauhan ni P/Supt. Ferdinand Germino ng 1st Provincial Mobile Force Company ang rape suspect na si Kim Eduard Barte matapos na isilbi dito ang warrant of arrest na ipinalabas ng korte dahil sa panggagahasa ng apat na beses sa babaeng menor-de-edad sa Meycauayan City, Bulacan.  Kuha ni Boy Cruz

BULACAN, Philippines — Arestado ang limang katao kabilang ang lalaking may nakabim­bing kaso ng apat na beses na panggagahasa sa menor-de-edad na babae matapos na muling paigtingin ng pulisya ang paghahanap sa mga taong may nakabimbing kasong kriminal sa korte.

Ang mga suspek ay sina Kim Eduard Barte 23, ex-security guard ng Brgy. Sto. Niño, Meycauayan City, may kasong 4 counts ng rape, Ranniel Castro, 39; ng Brgy. Caysio, Santa Maria (murder); Eduard Del Valle 24 ng Brgy. Tiaong, Guiguinto (qualified theft), Jasmine Reyes, 24, ng Brgy. Sipat, Plaridel (qualified theft) at Arnel Battung ,38, ng Brgy. Kaypian, San Jose del Monte City (R.A. 9262).

Sa ulat ni P/Supt. Ferdinand Germino ng 1st Provincial Mobile Force Company, unang nasakote ang suspek na si Barte dakong alas-8:23 ng umaga sa loob ng isang kilalang shopping mall nang isilbi ang ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ma. Cristina Laderas ng RTC Br.85 para sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa.

Nabatid din na nakasampa pa ang tatlong kaso ng rape sa suspek sa mga RTC Br. 9,16 at 79, pawang sa Malolos City dahil sa panggagahasa sa 14-anyos na babae sa Meycauayan City, may tatlong taon na ang nakakalipas.

Sumunod naming nasakote ang apat na iba pa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with