Naglaro ng basketball, itinumba

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Basag ang bungo ng 33-anyos na lalaki matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen habang naglalaro ng basketball sa Barangay Lanao, Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Larry Bermudez Hilario, tubong Kabacan, North Cotabato, at nakatira sa Belarmina Subdivision sa nasabing lungsod. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Ramel Hojilla, naglalaro sa basketball court si Hilario nang lapitan at pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki. Tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo kung saan narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 45 pistol.

Show comments