LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Bulagta ang 37-anyos na store owner matapos itong pagbabarilin ngn riding-in-tandem assassins sa loob mismo ng kanyang tindahan sa Barangay San Antonio sa bayan ng Libon, Albay noong Martes ng umaga. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nag-aayos ng mga paninda ang biktimang si Larry Nollas nang lapitan at pagbabarilin. Narekober sa crime scene ang 16 basyo ng bala ng cal .45 at cal .9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.