2 most wanted karnaper, arestado

BATAAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawa sa tatlong notoryus na karnaper makaraang masakote sa inilatag na police operation sa lalawigan ng Bataan, kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Marcelo Dayag, Bataan police director, nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Jako David y Quiambao, 18, ika-7 most wanted sa bayan ng Hermosa at nakatira sa Barangay Palihan, Hermosa, Bataan; at Nestor Trinidad Jr. y Baniel, 18, ng Brgy. Tenejero sa Balanga City habang tinutugis naman ang isa pang suspek na si Quilana dela Torre ng Barangay Tapulao sa bayan ang Orani. Inaresto si David sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Amelita Cruz Corpuz ng Dinalupihan Regional Trial Court Branch 96 sa Bataan sa kasong carnapping. Samantala, inaresto naman si Trinidad Jr. sa bisinidad ng national road sa Barangay Calaylayan, bayan ng Abucay.

Show comments