TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Umabot sa P.3 milyong cash ang natangay makaraang looban ng akyat-bahay ang kooperatiba ng Simbahang Katoliko sa Barangay Dopaj, bayan ng Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya noong Lunes.?
Ayon kay SPO1 Mariano Antonio Jr. dumaan ang mga kawatan sa bubungan ng kumbento kung saan nag-oopisina ang Saint Vincent Ferrer Parish Cooperative.?
Ayon kay Antonio, winakwak ng mga suspek ang kaha de yero ng tanggapan sa pamamagitan ng acetylene. ?
Bukod sa cash ay tinangay din ng mga kawatan ang bungkos ng napirmahang blankong tseke, mga passbook ng miyembro at laptop.?
Ang insidente ay nadiskubre noong Martes nang pumasok sa opisina ang kawani na si Shailimar Sagun dakong alas-9 ng umaga. ?
Nabatid na nakarinig ng mga ingay ang sakristan ng simbahan noong gabi ng Pasko subalit hindi niya ito pinansin sa pag-aakalang mga naghaharutang pusa lamang ito.