BULACAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng anim-katao makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa pot session sa Barangay Pantok, Meycauayan City, Bulacan noong Martes ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jericho Pangilinan,18; Jeffrey Tamayo, 20; Joseph Dumo, 20; Marvin Palana, 19; Rodolfo Cristobal, 19; at si Stephen Esteban, 19, criminology student at mga nakatira sa Barangy Pantok sa nasabing lungsod. Sa ulat ni P/Supt. Ferdinand Germino, hepe ng Provincial Public Safety Company sa Camp Alejo Santos, bandang alas-9:20 ng gabi nang maaktuhan ang mga suspek sa pot session sa gilid ng kalsada. Nasamsam sa mga suspek ang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana at tatlong disposable lighter.