Magnitude 5 na lindol tumama sa Davao Oriental

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Davao Oriental ngayong Huwebes.

Naitala ng Phivolcs ang sentro ng lindol sa 46 kilometro silangan ng Caraga ganap na 9:16 a.m.

May lalim na 23 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Bislig City, Surigao del Sur.

Wala namang naitalang pinsala ang lindol ngunit nagbabala ang Phivolcs sa aftershocks.

Show comments