BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng magpinsan makaraang masalpok ng trak ng minahan ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Bonfal West sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya noong Martes ng umaga.
Kinilala ni P/Chief Insp. Romeo Barnachea, hepe ng Bayombong policer station ang mga biktima na sina Van Diclas, 22; at Arlyn Uyaan, 22, college student ng Nueva Vizcaya State University at kapwa nakatira sa Barangay Antutot, bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya.
Base sa police report, magkaangkas sa motorsiklo ang magpinsang patungo sa bayan ng Solano nang masalpok ng kasalubong na trak (WGQ503) ni Randy Bayas, 47, ng Carulutan Dupax del Sur.
Pinaniniwalaang nataranta ang magpinsang nakamotorsiklo sa inilatag na checkpoint ng LTO kaya napunta sa linya ng mga trak ang motorsiklo ng dalawa at naganap ang trahedya.