BATAAN, Philippines — Brutal na kamatayanang sinapit ng magsyota makaraang lunurin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa bahagi ng Wetland Park sa Barangay Tortugas, Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi. Kapwa crew ng fastfood chain ang mga biktimang sina James Karl Guzman y Valencia, 19, binata, ng Wawa, Abucay; at Glory Mae Arbonel, 22, ng Ala-Uli, Pilar. Base sa police report, huling namataang buhay ang magkasintahan na nakaupo sa seawall bandang alas-5 ng hapon. Gayunman, bandang alas-7 ng gabi ay hindi na nakita ang dalawa base sa salaysay ng ilang barangay tanod na nagroronda sa nasabing lugar. Si Guzman ay natagpuan na nakalutang sa karagatan ng Orion habang si Arbonel ay nakitang nakadapa sa dalampasigan at walang saplot sa katawan. Pinaniniwalaang pinatay muna ang lalaki habang pinilahan naman si Arbonel saka nilunod at inabandona sa dalampasigan.