Aide ni Hapilon, 1 pa utas sa encounter
MANILA, Philippines — Dalawang Maute-ISIS stragglers kabilang ang kanang kamay ni Commander Isnilon Hapilon, Emir ng ISIS sa Southeast Asia ang napaslang habang dalawa namang sundalo ang nasugatan sa naganap na encounter sa main battle area sa Marawi City noong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., deputy commander ng Joint Task Force (JTF) Ranao, bandang alas-8:40 ng gabi nang makasagupa ng tropa ng Philippine Army sa main battle zone ang dalawang stragglers ng Maute –ISIS.
Sinabi ni Brawner na kabilang sa napatay na straggler ay si Abu Talja, kanang kamay ni Hapilon ang napatay na Emir ng ISIS na namuno sa Marawi City siege noong Oktubre 16 ng madaling araw.
Kasalukuyan namang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pang napaslang na terorista.
“The deaths of these two significantly reduced the ability of the remaining members of the Maute-ISIS to cause further harm and derail the ongoing return of the IDPs (internally displaced persons) o mga evacuees sa mga barangay sa Marawi City na nasa ilalim na ng kontrol ng tropa ng militar.
“Normalization and rehabilitation efforts in Marawi City continue despite the ongoing clearing operations in the main battle area,” pahayag pa ng opisyal.
Nagpapatuloy naman ang clearing operation sa mga nalalabi pang bomba na naiwan ng Maute–ISIS matapos dumanas ng krisis ang nasabing lungsod simula noong Mayo 23 na nagwakas matapos ang 154 araw (limang buwang krisis).
- Latest