Sikyu nirapido sa inuman

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —Bulagta ang 19-anyos na security guard matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki habang nakikipag-inuman sa kanyang amo sa Tomas Cabiles Street ,Purok 4, Barangay San Juan sa Tabaco City, Albay noong BIyernes ng gabi. Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktimang si Jaypee Arlego ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Castilla,  Sorsogon at sikyu sa Novo Unite General Merchandise. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nakikipag-inuman si Arlego sa kanyang amo nang biglang lapitan at pagbabarilin ng hindi kilalang gunman. Dahil sa pagkabigla, hindi nakakilos ang kainumang amo hanggang sa tumakas ang gunman sa hindi nabatid na direksyon.

Show comments