^

Probinsiya

Ikatlong most wanted, arestado

Pilipino Star Ngayon
Ikatlong most wanted, arestado

Guilbert “Gilbert” De Castro

Mga pangalan ng pulis, politiko na itutumba, narekober…

BULACAN, Philippines — Arestado ang 42-anyos na gun-for-hire ng mga tiwaling politico sa inilatag na police operation sa Barangay Bulihan, bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon ng madaling araw. Isinailalim sa tactical interogation ng pulisya ang suspek na si Guilbert “Gilbert” De Castro ng Brgy. Taal sa bayan ng Pulilan at sinasabing ikatlong most wanted sa Region 3.

Sa ulat na isinumite dakong alas 12:30 ng mada­ling araw ay nagsagawa ng operasyon ang pulisya sa isang bahay sa Brgy. Bulihan matapos na makumpirmang ginagawa itong safehouse ng suspek na matagal ng pinaghahanap dahil sa kinasasangkutan nitong iba’t ibang krimen.

Sa ulat ni P/Supt. Frankie Candelario, company commander ng PNP-Provincial Public Safety Company, sinalakay ng pangkat nina P/Senior Insp. Michael Santos at P/Senior Insp. Carlo Santos ang safehouse ng suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Efren B.Tienzo ng Malolos City Regional Trial Court  Branch 13 sa Bulacan sa kasong murder.

Nabatid din na may nakabimbing warrant of arrest ang suspek sa kasong frustrated homicide sa sala ni Judge Guillermo P. Agloro ng Regional Trial Court Branch 83 sa Malolos City, Bulacan.

Narekober sa suspek ang celpone na naglalaman ng mga pangalan ng pulisya at ilang politiko sa Bulacan na nakatakda nitong likidahin.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with