Bahay ng vice mayor sa Iloilo, ni-raid
May imbak umano ng mga armas
MANILA, Philippines — Ni-raid ng mga awtoridad ang bahay ng isang bise alkalde na kabilang umano sa mga ‘narco-politicians’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Maasin, Iloilo nitong Biyernes ng umaga.
Ayon kay Supt. Gilbert Gorero, spokesman ng Western Visayas Police, dakong alas-5:10 ng umaga nang isagawa ang raid sa tahanan ni Maasin, Iloilo Vice Mayor Francis Amboy matapos na ilabas ang search warrant na inisyu ni Iloilo Regional Trial Court (RTC) Branch 31 Judge Gemalyn Faunillo-Tarol laban sa lokal na opisyal.
Gayunman, matapos halughugin ng mga operatiba ang bahay ni Amboy ay wala ni isang armas at droga na nakumpiska rito na pinaniniwalaang naitago na sa ibang lugar ng bise alkalde.
Sa tala si Amboy at Maasin Mayor Mariano Malones ay pawang nasa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunita na noong nakalipas na linggo ay napaslang naman sa raid ng mga awtoridad ang top 1 drug lord ng Western Visayas na si Richard Prevendido.
Sa kasalukuyan, tatlo pang drug lord ng Western Visayas ang target ng mga awtoridad kabilang si Ernesto Bolivar habang patuloy namang itinatanggi ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ang alegasyon ni Pangulong Duterte base sa impormasyon na sangkot siya sa illegal drug trade na aniya’y paninira lamang upang sirain ang kaniyang kredibilidad.
- Latest