2 patay sa pamamaril

SUBIC, Zambales, Philippines – Dalawa-katao na sinasabing sangkot sa drug trade ang napatay sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Subic, Zambales kahapon ng madaling araw. Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Christopher Mateo, Zambales provincial police director, unang napatay si Toto Tamayo matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa bisinidad ng Purok 6B, Barangay Calapacuan. Narekober sa crime scene ang basyo ng bala cal. 45 pistol. Samantala, napatay din si John Lloyd Dagamat habang sugatan manan ang kaangkas nitong si Allen Caluwag makaraang ratratin ng mga hindi kilalang lalaki sa tapat ng convenience store sa Barangay Matain. Ayon kay P/Senior Insp. Joan Sibayan, hepe ng Subic Police Station, sinisilip ang anggulong drug trade ang isa sa motibo ng gunmen laban sa mga biktima.

Show comments