^

Probinsiya

2 patay sa anti-drug operation

Pilipino Star Ngayon
2 patay sa anti-drug operation

Sinusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang nakabulagtang si alyas Jeric matapos itong makipagbarilan sa mga tauhan ni P/Supt. Orlando Castil Jr. sa isinagawang anti-drug operation sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Guiguinto, Bulacan. Kuha ni Romeo “Boy” Cruz

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao na sinasabing magkasabwat sa drug trade ang napatay sa magkasunod na anti-drug operation ng pulisya sa mga Barangay Sta. Cruz at Barangay Tuktukan sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng dalawa na may mga alyas Jeric at Rey na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Orlando Castil Jr. na naisumite sa Camp Alejo Santos dakong ala-una y medya nang isagawa ang anti-drug ope­ration laban kay Alyas Jeric sa madilim na bahagi ng Barangay Sta. Cruz.

Gayunman, nakatunog ito kaya nakipaghabulan at naki­pagbarilan sa mga pulis subalit napatay habang nakatakas naman ang kasabwat tangay ang marked money.

Samantala, napatay din si Alyas Rey matapos itong kumasa sa mga pulis sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Barangay Tuktukan sa nasabing bayan.

Narekober ng mga pulis ang dalawang cal. .38 revolver, mga bala, anim na plastic sachet ng shabu,  pitaka na naglalaman ng butil ng shabu, itim na scooter (OX-8263) at P500 marked money.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with