Sundalong nakaligtas sa Marawi siege dedo sa motorbike crash
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang 22-anyos na sundalo na sinasabing nakaligtas sa unang yugto ng bakbakan sa Marawi City laban sa Maute terrorists matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa nakaparadang trike sa bayan ng Allacapan, Cagayan kamakalawa.
Ayon kay P/Senior Insp. Efren Tangonan, hepe ng Allacapan police station, galing sa inuman ang biktimang si Pvt. Relly “Boy” Dalire nang makasalubong si kamatayan.?
Lumalabas sa imbestigasyon na sinalpok ni Dalire ang nakahimpil na traysikel na hawak ni Jayson Time sa gilid ng kalsada dahil sa mga nagkalat na graba.?
Kasama ng sundalong tumilapon sa ere at nagpagulung-gulong sa kalsada ang pinsan nitong si Eric Dalire.
Isinugod naman ang dalawa sa Far North Hospital sa bayan ng Luna kung saan nalagutan ng hininga ang sundalo.?
Si Dalire ay isa sa mga nakaligtas sa pinasabog na tangke sa mga unang araw ng labanan sa Marawi siege.?
Nabatid din na si Dalire ay binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng medalya sa kanyang katapangan at nakatanggap pa ng cash reward at bagong baril.?
Sa kanyang Facebook account bago naganap ang aksidente, sinabi ni Dalire na inip na itong makabalik ng Marawi City dahil hindi pa niya ganap na naibubuhos ang serbisyo bilang kawal ng Pilipino.
- Latest