Utol ng alkalde, nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines - Napatay ang 64-anyos na utol ng mayor na sinasabing nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong rat­ratin ng mga hindi kilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Tallungan, bayan ng Aparri, Cagayan noong Biyernes. ?

Kinilala ni P/Senior Supt. Warren Tolito, Cagayan police director ang napatay na si Julio “Bong” Dicierto ng nasabing barangay.

Nagkalat ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol at M16 Armalite rifle sa crime scene na iniwan ng gunmen na tumakas sakay ng SUV.

Ayon kay Tolito, naging kaibigan ni Dicierto ang convicted drug lord kung saan siya natuto sa drug trade noong 1997 sa Manila City Jail sa kasong murder.?

Kinumpirma ni Tolito na naabsuwelto si Dicierto sa kasong kriminal matapos bumaba sa kasong homicide ang kaso nito.?

?Tinitingnan din ng mga awtoridad ang posibleng papel ng biktima sa nadiskubreng shabu lab sa abandonadong bodega ng minahan sa nasabing bayan noong Abril.

Maliban sa usaping droga ay sinisilip din ng pulisya ang anggulong paghihiganti o may personal na galit sa biktima na isa sa motibo sa pagpatay.

Show comments