TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 20-anyos na dalaga matapos itong pugutan at tsap- tsapin ng nobyo sa loob ng sementeryo sa Barangay Linglingay, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa. ?
Sinasabing selos ang ugat ng matinding away nina Mary Ann Colobong at Eric Sampaga na nakitang may hawak na mahabang itak noong tanghali. ?
Ayon kay P/Chief Insp. Darwin Urani, hepe ng Alicia Police Station, dakong alas-4 ng hapon nang madiskubre ng ilang residente ang nilalangaw na pugot na bangkay ni Colobong na sinasabing tsinap-chop sa ibabaw ng nitso.?
Nabatid na sumisilong lamang ang magnobyong palaboy sa loob ng compound ng sementeryo.?
Kaagad na isinailalim ng pulisya sa manhunt si Sampaga na mapanganib at armado dahil sa may kulang din ito sa pag-iisip.