Kawani ng vice mayor tiklo sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang 45-an­yos na kawani ng vice mayor makaraang masakote ng mga pulis sa isinagawang anti-drug operation sa basketball court ng St. James Subdivision sa Barangay Batal, Santiago City, Isabela noong Biyernes. ?Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Percival Rumbaoa, police chief sa Santiago City, inaresto ng pulisya ang suspek na si Jimmy dela Cruz na administrative aide ni Vice Mayor Alvin Abaya makaraang maaktuhan ito sa bentahan ng droga. Ayon sa pulisya, si Dela Cruz ay sinasabing nasa drug watchlist bilang high value target ng PNP at PDEA.? Hindi naman mahagilap ang nasabing opisyal para magbigay ng pahayag sa pagkakaaresto sa kanyang tauhan.? Sinasabing si  Vice Mayor Abaya ay isa sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na nagpahayag ng adbokasiya laban sa droga.

Show comments