TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines - Isa pang drug suspek na sinasabing may-ari ng dalawang KTV bar ang napaslang makaraang ratratin ng riding-in-tandem assassins habang sakay ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Napaccu Grande, bayan ng Reina Mercedes, Isabela kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Bruno Palattao, hepe ng Reina Mercedes Police Station ang napatay na si Diether Maragun, 59, ng Barangay San Luis sa Cauayan City, Isabela. At may-ari ng Lovely at Bigote KTV Bar. Ayon kay Palattao, patungo sa Cauayan City si Maragun mula sa pag-aaring beerhouse nang ratratin sa kahabaan ng highway dakong alas-9 ng umaga.? Nabatid na sumawsaw na sa Oplan Tokhang si Maragun noong 2016 at nakapiyansa sa kasong pagtutulak.