‘Enkantadang’ kawatan, sakote

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Natapos din ang mahigit isang dekadang pagtatago ng sinasabing kawatan na nagbalatka­yong enkantada sa kagubatan matapos maaresto ng mga awtoridad sa kabundukan ng Sitio Tagcar, Barangay Mission sa bayan ng Sta. Teresita, Cagayan, kamakalawa.

?Ayon kay P/Senior Insp. Aleeh Bacuyag, hepe ng Sta. Teresita Police Station, 15-taon nang nagtatago ang suspek na si Ruben Doctolero, 40, mula nang lumabas ang warrant of arrest sa panloloob sa kanyang kapitbahay sa Barangay Mission tangay ang P. 1 milyon.

Sinasabing nagdadamit pambabae si Doctolero habang nagliliwaliw sa nasabing barangay sa mga hangganan ng bayan ng Gonzaga, Gattaran at sa bayan ng Sta. Teresita kaya nagawang makapagkubli sa mata ng batas.?

Nabatid na sinubayba­yan ng mga tiktik ang kahina-hinalang pagliliwaliw ng mahiwagang babae sa gubat hanggang sa malaman na ito na pala ang pinagha­hanap na si Doctolero.?

Kasama ng mga pulis ang tropa ng 17th Army Battalion na umaresto sa suspek sa kanyang kubo sa madilim na gubat.

Show comments