Preso patay sa heat stroke

CAVITE, Philippines - Dahil sa sinasabing kawalan ng aksyon ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan para mabawasan ang bilang ng mga nakakulong ay isa na namang preso ang namatay  sa heat stroke sa himpilan ng pulisya sa Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga. Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Erwin Cruz, 52, may asawa, ng San Marino City Subd. sa Barangay Salawag at may kasong attempted homicide at  direct assault upon agent of person in authority noong Abril 30. Base sa police report, bandang alas -10:05 ng umaga nang mapansin ng duty jailer na si PO1 Roger Manzanillo ang biktima na nahihirapang huminga kaya kaagad itong dinala sa ospital subalit namatay din. Base sa tala, aabot na sa 10 preso ang namatay sa heat stroke sa loob ng kulungan ng nasabing lungsod.

Show comments