^

Probinsiya

Kumare kinatay ni kumpare

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 44-anyos na misis matapos itong pagtatagain ng kaniyang kumpare sa gitna ng kanilang pagtatalo habang nag-iinuman sa Sitio Campo Dos sa Barangay Mandih, bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Sindangan District Hospital ang biktimang si Mercy Antugon habang sumuko naman sa Army’s 20th Special Forces Company ang suspek na si Jerry Asoroy, 30, mga nakatira sa nasabing barangay. Base sa ulat ng regional police office na isinumite sa Camp Crame, nakipag-inuman ang biktima sa suspek subalit nang malasing ay sumiklab ang pagtatalo sa isyung pampamilya kung saan napikon ang lalaki. Sa puntong ito ay biglang pinagtataga ng suspek ang biktima na duguang bumulagta. Mabilis na tumakas sa crime scene ang suspek subalit sumuko rin sa militar makalipas ang ilang oras.

 

KUMARE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with