4 suspek sa police station siege, dinampot

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Iniimbestigahan na ang apat-katao kabilang ang 53-anyos na trader na sinasabing ‘persons of interest’ kaugnay sa pagsalakay ng mga rebeldeng New People’s Army sa himpilan ng pulis­ya sa bayan ng Maddela, Quirino noong Sabado.?

Ayon kay Isabela police director P/Senior Supt. Reynaldo Garcia, inaalam ng mga imbestigador ang lawak ng partisipasyon ng trader na si Gilbert Tullao ng Barangay Victory Norte, Santiago City sa naganap na raid ng NPA na nagdulot ng kahihiyan sa pulisya at pamahalaan na itinaon sa ginaganap na ASEAN summit.?

Si Tullao ay na-intercept ng pulisya sa Barangay Uno, bayan ng Jones, Isabela noong Linggo ng madaling araw sakay ng puting Foton van (ADJ-6981) na pinaniniwalaang isa sa mga ginamit ng NPA rebs.?

Kasamang inaresto ang drayber ni Tullao na si Hermino Domincil, 56;  Zenaida Ucon, Roland Mattering, 54; at si Reynaldo Fuentes.?

Nabatid na si Domincil ay naunang naaresto noong 2012 sa bayan ng Luna, Isabela dahil sa pamemeke ng driver’s license.

Nilinaw din ng opisyal na kapangalan lamang ni Domincil ang kasalukuyang vice mayor sa bayan ng Dinapigue.

?Ayon naman kay Tullao, inupahan lamang ng dalawa-katao na hindi niya kilala ang kanyang van at truck para mag-deliver ng mga upuan sa bayan ng San Agustin, Isabela na malapit sa Maddela noong hapon bago naganap ang raid.?

 

Show comments