9 tiklo sa drug trade

LUCENA CITY, Quezon , Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng siyam-katao makaraang masakote ng mga awtoridad sa inilatag na drug operation sa Rod­riguez Subdivision, Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City, Quezon, kahapon ng madaling araw.?

Sa ulat na nakarating kay Quezon police director P/Senior Supt. Roderick Armamento, nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Alvin Sorezo, 40; Mark Mendoza, 31; Giovanni Peralta, 40; Joven Mindanao, 23; Alvin Orig, 30; Efren de Castro, 47; Mitzel Rafael, 38; Efren Abellera, 39; at si Bong Bong Llaneta, 26.? 

Ayon kay P/Supt. Art Brual Jr., chief of police sa nasabing lungsod, unang nasakote ng mga tauhan ni P/Supt. Marlowe Torina si Sorezo sa inilatag na buy-bust operations sa kanilang bahay.?

Nang madakip si Sorezo ay inginuso naman nito ang walo pang drug suspek na nagpa-pot session sa loob ng kanyang bahay.?

Nasamsam sa mga suspek ang 5.87 gramo na shabu at mga drug paraphernalia.

Mariin namang itinanggi ng misis ni Sorezo  na nagpa-pot session ang mga suspek at sinabing nagtotong its lang ang mga ito.

Show comments