Trader itinumba, gunman bulagta rin

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines – Bumulagta ang 48-anyos na may-ari ng cellphone center habang napatay naman ang isa sa gunmen sa naganap na pamamaril sa ground floor ng Mampen Building sa Barangay Poblacion 5, Cotabato City, Maguindanao kahapon ng tanghali.

Napuruhan sa likuran ng ulo ang biktimang si Samad Macalilay Ameril, may asawa at residente rin ng nasabing lugar.

Base sa ulat na nakara­ting kay P/Senior Insp. Rowell Zafra, tagapagsalita ng Cotabato City police, binaril ng riding-in-tandem gunmen ang biktima.

Gayunman, hinabol at nasukol ang isa sa dalawang gunmen na si Lalaw Kasan Karim kung saan naisugod naman sa Cotabato Puericulture Hospital makaraang masugatan sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad.

Di naman inakala ng mga pulis at militar ang sumunod na insidente dahil matapos  maipagamot si Karim ay nagkunwari itong masakit ang tiyan.

Ilang minuto ang nakalipas ay biglang nang-agaw ng baril si Kim hanggang sa mapilitan ang mga pulis na paputukan at mapatay.

Pinaniniwalaang may tama rin sa leeg ang ka­sabwat ni Kim na nakatakas matapos makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.

 

Show comments