TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Limang magkakamag-anak kabilang ang isang retiradong pulis ang malubhang nasugatan matapos mahulog sa kanilang sasakyang SUV sa malalim na kanal sa kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Dummun, bayan ng Gattaran, Cagayan kamakalawa. ?Kinilala ni P/Chief Insp. Harvey Pajarillo, hepe ng Gattaran police station ang mga biktimang ginagamot sa Dr. Tomas Nolasco Hospital na sina Pedro Daliapas, 58; Maria Daliapas, 60; Mariegrace Huyok, 25; Jessa Baya-ao, 20; at si Joseph Majit, 30.? Base sa imbestigasyon, patungo sa bayan ng Aparri ang mga biktima upang dumalo sa burol ng kanilang kaanak mula sa bayan ng Tinglayan, Kalinga nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Daliapas kaya nagtuluy-tuloy sa malalim na kanal ang kanilang sasakyan na may plakang RDE 278.