^

Probinsiya

2 tinedyer, 2 totoy nalunod sa ilog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Naligo dahil sa init ng panahon…

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Apat-katao ang namatay sa naganap na magkahiwalay na pagkalunod sa ilog sa Isabela at La Union noong Biyernes.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Manuel Bringas, kinilala ang dalawang namatay na sina Casmer Ramos, 13; at Christine Jhane Padilla, 13.

Nabatid na naunang sinagip ni Ramos ang mga kaibigang sina Jennifer Galabay, 13; Jemarose Galabay, 14; Jennyfer Macapugay, 14; at si Melfin Santos, 13.?

Gayunman sa pagsagip ni Ramos sa kaibigang si Padilla ay magkasabay silang tinangay ng malakas na agos ng Cagayan River hanggang sa maglaho sila dakong alas-3 ng hapon.?

Nabatid na nagpasyang magtampisaw ang mga kabataan sa nasabing ilog upang maginhawaan sa init ng panahon matapos dumalo sa kasalan? sa Barangay San Jose, bayan ng Delfin Albano, Isabela.?

Kasalukuyan pa rin hinahanap ng search and rescue team ang dalawang biktima.

Samanata, namatay naman sina Gerald Ghil Gonzales, 7; at Vincent Robert Nisperos, 7, matapos malunod sa Aringay River sa Barangay San Simon West sa bayan ng Aringay, La Union noong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni  P/Supt. Silverio Ordinado Jr. taga­pagsalita ng La Union Police na nasagip ng ilang residente si Gonzalez at ang mag-utol na Nisperos kung saan naisugod sa  La Union Medical Center pero namatay habang ginagamot sina Gerald at Robert habang nakikipaglaban naman kay kamatayan si Irish Nisperos, 6.

Nabatid na pauwi na ang mga biktima mula sa San Simon Elementary School nang maisipang magtampisaw sa nasabing ilog para magpalamig subalit nakasalubong naman si Kamatayan. 

MANUEL BRINGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with